-QUAESTIO-

…searching for the purpose….the dreams…..the identity….and the adventures in the so called “complicated WORLD”

Imbak para sa Kategoriyang ‘Personal Experiences’

Ito ung mga pangyayari sa araw-araw ko na buhay. Maaring drama, comedy, sensual, o kombinasyon ng mga un. Pasok dito!

Things to do para makatipid!

Ipinaskil ni jombee sa Abril 29, 2008

It was on Sunday, April 27, 2008 after a heavy saturday night with my drinking buddies that I realized I have nothing left in my wallet even a single centavo. What a damn shit! What will happen to me now? Where will I get my daily finances? How can I go to work if I have no money left for my transportation fee. Oh my God! I need to beg again from my mother. Magpapakapal na naman ako ng mukha. Magtitiis na naman ako sa sermon ng ate ko. Hahai… Yan na lang yata masasabi ko..

Huhuhuhu what a nightmare for me! Ginusto ko ito, kailangan kong panindigan. Wala na akong magagawa pa. Huli na ang lahat. Kailangan ko ng matuto mag-ipon. kailangan ko magpayaman para di ko na maexperience ulit ito. But how?

After thinking the whole night (?), ito lang ang pumasok sa kukuti ko..

Mga bagay na kailangan gawin para yumaman…

1.) Hindi na ako iinom- Iinom po ng alak ha… Baka isipin nyo tubig.. Wag naman..Actually di nman ako lasenggo eh. Minsan lang ako umiinom pero ako lagi ang taya. At saka pag nasimulan ko ng umiinom at napasarap ang kwentuhan, eh pasensya na lang ang pitaka ko dahil tiyak na mamumulubi na naman ako kinabukasan.

2.) Hindi na ako magpapaload- Kamusta naman ang mga katextmate baka mabahala sila hehehhehe. Sa totoo lang di naman ako mahilig sa txt eh. Naeexpire lang nga minsan ang load ko. Alam mo naman kasi sa linya ng trabaho ko, minsan kailangan mong magreply pag merong nagtatanong. Hahai, sayang naman!

3.)Hindi na ako sasakay- Hahaha paano kaya if gagawin ko ito? Aabutin siguro ako ng siyam-siyam bago ako makarating ng opisina. Baka pagdating ko dun, wala na akong paa hahahaha. Sayang naman yong sapatos ko na nag-iisa na inutang ko pa sa natasha. Manghits na lang kaya ako? Pwede dba? O di naman kaya lilipad? Darna! wahahahaha

4.) Imbes na kumain ako ng almusal sa canteen, magbabaon na lang ako- Pwde naman eh kaya lang di pa ako nakabili ng baonan. Or pwede naman cguro plastic ung paglalagyan ko ng kanin? What do you think? Good idea di ba? O di kaya magpapalibre na lang ako sa ka-opisina ko? Hahaha kapal ko talaga! Tama na nga baka kung ano pa masabi ko.

5.) Pag-isahin ko na lang ang breakfast at lunch ko- Nagawa ko na ito eh. Actually very effective sya.. Makakasave ako ng P30 per day. Kaya lang daming nagsasabi sa akin na pumayat daw ako at saka umitim (maitim nmn tlga ako dati pa… baka gusto nila sabihin na kasing itim na ako ng uling… grrrr).

Hehehehe wala na ako maisip. Baka may gusto pa kayong isuggest, pakilagay lang sa comment.

Isa lang naman yong kailangan nating gawin eh para makaipon. Set your priorities. Unahin ung kailangan talaga. Wag basta-basta gumastos sa mga bagay na di nyo naman kailangan. Make a budget plan. Ilista nyo kung ano ang kailangan nyong bayaran, bilhin at iba pa according sa kung alin ang kailangan at dapat mauna. Disiplina lang po ang kailangan.

Di ba ang galing-galing ko magsalita ano? Kainis nga eh.. Ang sarap at madali magbigay ng advices pero ang hirap gawin. Hahai na naman. Kailan pa kaya ako magigising sa katotohanan.. na ang puno ng mansanas kailanman ay hindi magkakaroon ng bunga ng saging. Ngek bakit ganun? Whatever! Basta guys don’t spend more than what you’ve earned. Ang hirap. Pramiz!

Ipinaskil sa Personal Experiences | Minarkahan: , , , | Mag-iwan ng Puna »

What a life!

Ipinaskil ni jombee sa Abril 26, 2008

Hahai, life nga naman. Nakakahiya tlga at the same time nakakabadtrip. Nakakainis ung ate ko na wala ng ginawa kundi mang asar. Grrrrr….

Bakit? Kasi itong nangyari….

Me: Mang, pahiram ng pera oh, wala kasi akong pamasahe. (paawa effect)

Mamang: Ha? Wala ka ng pera?

Me: Oo, nashort ako ng allowance eh.

Mamang: Lab (nakakabata kong kapatid na lalaki), saan na yong fifty pesos na ibinigay ko sau kagabi?

Lab:Nasa jacket ko mang.. (Sabay punta sa kwarto kung saan nakalagay ung jacket).

Pagbalik….

Lab: Mang kulang na ng twenty pesos.. Dalawang twenty pa ito kagabi…

Mamang: Sino naman ang kumuha? Wala naman d2 si Rex (isa ko pang kapatid na lalaki na laging nangungupit). Baka andyan lang yan..

Papang: May nakita ako kagabi na pera sa ilalim ng kama, baka yon. Ibinalik ko man dyan sa bulsa ng jacket mo.

After a while,

Ate: Di ka na nahiya. Imbes na kami yong humingi sa’yo dahil may work ka na, sila mamang pa yong hingian mo. Ikaw lang yata ang CPA na nakilala kong ganyan.

Me: Oo na ako lang! Sorry ha kasi ganito ako. Kasalanan ko po! Bakit ka ba affected? Sa iyo ba ako humihingi? Babayaran ko naman ‘to ah.

Ate: Sa kung anu-ano kasi inuubos ang pera. Magbago ka na nga! Wala kang mapapala sa ganyan. Dapat mag-ipon ka!

Me: Oo na nga eh. Dami mo pang satsat. Ang aga aga sermon ang inaabot ko sa iyo.

Biglang nag interrupt ung mama ko,

Mamang: Tama na nga yan. Ito na ang pera malalate ka na.

Me: Wag na lang mang. Kay ate mo lang yan ibigay baka kailangan nya yan. Manghihiram na lang ako ng pera sa officemate ko.

Sabay kuha ng bag at umalis….

Nahiya talaga ako sa family ko. Tama nga ung ate ko. Dapat ako pa nga ung magbigay sa kanila. Nakakahiya tlga. gRRRr

Actually, correct naman ung ate ko eh. Kelangan ko mag ipon. Ang kinaiinisan ko lang eh yong diktahan ako kung saan ko dapat gastusin ung perang pinaghirapan ko (pinaghirapan daw?). Doon ako masaya eh, may magagawa ba ako? But kahit ganun ung nangyari, mahal na mahal ko ung family ko lalo na ung mama ko. Siya lang ata ung taong nakakaintindi sa akin. Kahit alam ko na lage ung sinusuway at sinasaktan, andyan pa rin sya lage sa tabi ko. Iba talaga ang mama ko. Walang katulad! I love you mama. Hayaan mo makakabawi din ako sau. Promise ko yan….

Quaestionis!- Mali ba yong sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo kahit alam mong nakakasama ito sau? Pero paano if doon ka masaya?

What do you think?

Ipinaskil sa Personal Experiences | Minarkahan: , | Mag-iwan ng Puna »