-QUAESTIO-

…searching for the purpose….the dreams…..the identity….and the adventures in the so called “complicated WORLD”

Imbak para sa Kategoriyang ‘Senti Mode’

Ito ung mga post na nasa senti mode ako. Usually ito ung mga talata na isinusulat ko para maipalabas ung nasa puso ko. Pasok din dito ang mga opinyon ko sa mga bagay-bagay na may pagsenti ang topic.

Ang Masaklap Na Katotohanan

Ipinaskil ni jombee sa Mayo 8, 2008

Karapatan ng bawat bata ang magkaroon at mabigyan ng bahay na matitirahan, damit na maisusuot, edukasyon na maipagmalaki, hangin na malalanghap, pamilya na mag-aaruga at bigas na makakain. Karapatan nila ang maging masaya, ang maranasan ang maganda at masaganang buhay, ang mag-aral at kunin ang gusto nilang kurso at ang lumaki ng malusog at walang sakit.

Lahat na karapatang ito ay hindi na kailangan pang isulat sa batas o dumaan sa mga kamay ng mambabatas, kongreso at senado para lamang mapilitan tayong sundin. Ito ay hindi na kailangan pang ulit-uliting ipaglandakan at ipaalala sa atin. Ito po ay implied. Hindi na kailangang sabihin, isulat at ipaalala. Kita na mismo, sa sarili nating pag-iisip ay dapat alam ang mga ganitong karapatan.

Sa panahon ngayon naibibigay ba natin sa kanila ang mga karapatang ito? Let ask ourselves? Kahit ngayon lang.. Kahit isang segundo lang.. Nasunod at nagampanan ba natin ang ating mga responsibilidad bilang ama, ina, kuya, ate, at bilang isang mamamayang Pilipino?

Kung ang sagot mo ay OO, salamat.. Salamat dahil isa ka sa konting nilalang dito sa mundo na alam ang kanilang responsibilidad. Salamat dahil isa ka sa mga nagrespeto sa karapatang pantao ng bawat bata. Salamat dahil ikaw ay nagpakaPilipino. Pero pwede bang magtanong? Sapat na ba ang ginawa mo? Bukal ba sa loob mo ang mga iyon? Hindi ka ba naghihintay ng kapalit mula sa kanila?

Kung ang sagot mo naman ay HINDI, salamat pa rin.. Salamat dahil isa ka sa mga taong makasarili. Salamat dahil hindi mo nagampanan ng mabuti ang iyong responsibilidad. Salamat dahil kahanay ka ng mga taong nagbibingi-bingihan. Salamat dahil hindi ka Pilipino. Pero pwede bang magtanong? Hanggang kailan ka maging ganito? Kung huli na ang lahat?

Sana sa pamamagitan ng artikulong ito eh makakapagpalambot ako ng mga pusong kasing tigas ng bato. Gawin po natin ang dapat at kung ano ang tama. Wag po natin hayaang ang mga bata ay maging problema ng bansa instead of making them as “hope of the fatherland”.

Nasa senti mode po ako… Di ko lang kasi matake ang kakulangan ng bigas… Rice shortage…. GRrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr….. Maraming bata ang nagugutom…. Di po ba kayo naaawa?

Ito po ang MASAKLAP NA KATOTOHANAN! We can’t deny it! We are failed! Loser! Stupid!

Ipinaskil sa Senti Mode | Minarkahan: , , , | 1 Puna »

Ang Sama Ko!

Ipinaskil ni jombee sa Mayo 2, 2008

Minsan may mga baluktot talaga tayo na pananaw sa buhay. Mga pananaw na madalas dumadala sa atin sa kapahamakan. Mga pananaw na kahit alam nating mali ay siya pa ring sinusunod. Hindi na ba tayo natuto? Hindi na ba sapat ang minsang pagkakamali?

Madalas nangyayari sa akin ang mapaisip ng mga nangyayari sa aking buhay lalo na kapag ako ay nag-iisa. Samahan pa ng musika na nakapagpapalabas ng luha sa kung sino man ang makarinig. Oo lagi nangyayari sa akin yan.. Palagi akong nagiging emosyonal lalo na if patungkol sa aking sarili at pamilya. Malimit kong nakikita ang aking sarili na luhaan na kadalasan ay dulot ng isang problema, pangamba, takot at sakit.

At ngayon, ito na naman ako. Iniisip ang mga nakaraang pangyayari sa buhay ko. Mga maling desisyon, mga pangako at pangarap na hindi natupad at mga pagdurusa na likha mismo ng sarili kong pananaw.

Ito ako ngayon nagdurusa, umiiyak, nasasaktan at nakokonsensya. Malapit na pala ang mothers day. Wala man lang akong ipon para mabilhan ko ng regalo ang butihin kong ina. Sana pagsapit ng araw na iyon eh mapadama ko man lang sa mama ko kung gaano ko sya kamahal. Kung gaano sya kaimportante sa buhay ko. Sana maipalam ko man lamang na hindi ako mabubuhay pag wala sya. Na hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko sya nakikita at nakakausap. Na sa kabila ng aking pagbubulakbol ay ang pangakong aalagaan ko sya habang buhay.

I love you nay! Mula noon hanggang ngayon…

Di ba ang sama ko? Ang sama ko dahil kahit anong gawin ko ay mama’s boy pa rin ako.. Ang sarap talaga maging masama! Di ko pinagsisisihan ito!

Ipinaskil sa Senti Mode | Minarkahan: , , | 2 Puna »