-QUAESTIO-

…searching for the purpose….the dreams…..the identity….and the adventures in the so called “complicated WORLD”

Mga Paskil na Minarkahan ‘sagradong aklat’

How Nice?

Ipinaskil ni jombee sa Abril 30, 2008

Ang bibliya para sa mga Katoliko at Koran naman para sa mga kapatid nating Muslim ay ang simbolo ng pananampalataya ng bawat relihiyon. Dito napapaloob ang mga aral at salita ng Poong Maykapal. Ito ay isang sagradong bagay na nangangailangan ng respeto, pag-iingat at pagmamahal. Hindi lang ito basta-basta o karaniwang libro na makikita natin sa mga bookstores.

Mayroon talaga tayong mga kapatid (hindi kasi lahat) na malaki ang respeto at pagsunod sa kung ano ang nakasulat sa sagradong aklat. Meron naman mga taong bumabasa lang for the sake na nakabasa without understanding it o di kaya kung kelan lang maisipang bumasa lalo na sa tuwing nasa kalungkutan at pagdurusa. Mas marami siguro yaong mga taong wala man lang sagradong aklat sa bahay nila o di kaya naman meron nga pero ginagawang pangdisplay at ni kailan di man lng naisipang basahin. Kung saan ka man napabilang, ang mahalaga alam mo sa sarili mo na God is always there for us.. Di pa po huli para magbago.. Andyan lang po Sya naghihintay sa atin, patuloy na nagmamahal higit sa pagmamahal na ibinibigay ng ating mga magulang sa atin.

Bakit ko po ito naungkat? Natouch kasi ako sa narinig at nasaksihan ko habang ako’y papunta kanina sa opisina. Habang ako’y nakasakay sa isang luma pero matulin na jeep. Ito po ang nangyari…

Di pa man ako nakakalayo sa lugar kung saan ako sumakay ay huminto na ang jeep na sinasakyan ko. Obviously, hindi dahil naubusan ng fuel, hindi dahil may bumaba, at mas lalong hindi dahil naiihi ang driver… dahil po may sumakay.. Isang babae kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki na sa tingin ko ay may edad na 5 at 12 years old.

Habang palakad na ang jeep, nagtanong ang kanyang ina;

Ina: James (di totoong pangalan) nadala nimo ang bible? (James nadala mo ba ang bible?)

James: Wala. Nakalimtan nako. (Wala po nakalimutan ko)

Ina: Ti mag-unsa ka na lang did2? (Eh ano na lang gagawin mo dun?)

James: Kuhaon na lang nako kay Arnold (friend nya) ang gamay ko na bible. Naa man did2 sa iyaha. (Kukunin ko na lang yong maliit ko na bible kay Arnold. Andun man yon sa kanya.)

Nag-interrupt yong 5 years old child…

Bata: Ma ang akoang bible? (Ma ang bible ko?)

Ina: Atoa sa balay ah.. (Andun sa bahay)

Maaring si James ay pupunta sa isang youth camp o kaya sa isang pagtitipon na kailangan ng bible. Di ba ang sarap isipin na kahit sa mura nilang edad ay namulat na sila sa magandang asal at yan ay ang pagiging malapit sa Diyos. Mas lalo akong nasiyahan ng marinig ang bata na kahit mismo sya ay may sariling bibliya.. Ang galing nya… Saludo ako sa kanya..

Lesson: Ang Poong Maykapal ang siyang naglalang ng lahat ng bagay dito sa mundo. Kasama na tayo dito na mga tao na nilikhang kawangis nya.. Pero naisip ba natin kung ano ang isinusukli natin sa kanya sa lahat ng kanyang ginawa para sa atin? Kahit nga simpleng bagay na makakapagpaligaya sa Kanya ay di pa rin natin magawa. Ang pag-alaga sa mga bagay na nilalang Nya, ang pagsunod sa mga aral at salita nya at marami pang iba. Di ba nahihirapan tayong gawin yon? Di ba ang sama natin? Pero sa halip na magalit Sya sa atin ay inintindi Nya pa kita dahil umaasa Syang magbabago pa tayo. Di pa naman huli ang lahat di ba? Kaya pa nating magbago.. Simulan mo sa sarili mo at tiyak ang lahat sa paligid mo ay susunod. Let’s act now before it’s too late.. Ngayon na pls…

Quaestionis: Bakit tayong mga tao ay gumagawa ng mga bagay na labag sa Kanyang utos?

Ipinaskil sa Usapang Jeepney | Minarkahan: , , , , , | Mag-iwan ng Puna »