-QUAESTIO-

…searching for the purpose….the dreams…..the identity….and the adventures in the so called “complicated WORLD”

Archive for Mayo 2nd, 2008

Ang Sama Ko!

Ipinaskil ni: jombee sa Mayo 2, 2008

Minsan may mga baluktot talaga tayo na pananaw sa buhay. Mga pananaw na madalas dumadala sa atin sa kapahamakan. Mga pananaw na kahit alam nating mali ay siya pa ring sinusunod. Hindi na ba tayo natuto? Hindi na ba sapat ang minsang pagkakamali?

Madalas nangyayari sa akin ang mapaisip ng mga nangyayari sa aking buhay lalo na kapag ako ay nag-iisa. Samahan pa ng musika na nakapagpapalabas ng luha sa kung sino man ang makarinig. Oo lagi nangyayari sa akin yan.. Palagi akong nagiging emosyonal lalo na if patungkol sa aking sarili at pamilya. Malimit kong nakikita ang aking sarili na luhaan na kadalasan ay dulot ng isang problema, pangamba, takot at sakit.

At ngayon, ito na naman ako. Iniisip ang mga nakaraang pangyayari sa buhay ko. Mga maling desisyon, mga pangako at pangarap na hindi natupad at mga pagdurusa na likha mismo ng sarili kong pananaw.

Ito ako ngayon nagdurusa, umiiyak, nasasaktan at nakokonsensya. Malapit na pala ang mothers day. Wala man lang akong ipon para mabilhan ko ng regalo ang butihin kong ina. Sana pagsapit ng araw na iyon eh mapadama ko man lang sa mama ko kung gaano ko sya kamahal. Kung gaano sya kaimportante sa buhay ko. Sana maipalam ko man lamang na hindi ako mabubuhay pag wala sya. Na hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko sya nakikita at nakakausap. Na sa kabila ng aking pagbubulakbol ay ang pangakong aalagaan ko sya habang buhay.

I love you nay! Mula noon hanggang ngayon…

Di ba ang sama ko? Ang sama ko dahil kahit anong gawin ko ay mama’s boy pa rin ako.. Ang sarap talaga maging masama! Di ko pinagsisisihan ito!

Posted in Senti Mode | Minarkahan: , , | 2 Comments »

It’s a Labor DAy!

Ipinaskil ni: jombee sa Mayo 2, 2008

Labor Day has always been a happy day for a private employee like me. Bakit? Kasi it’s a legal non-working day. Walang pasok sa trabaho pero may sahod (fixed kasi sahod ko). Ano kaya ang gagawin ko bukas? Siguro mamamasyal ako sa mall.. Pero paano? Wala naman akong pera.. Di pa kasi kami sumasahod, sa May 2 pa daw. Hahai….

Before ko pagtutuunan ng pansin kung saan ako bukas eh magbibigay muna ako ng sarili kong pananaw about Labor Day.

Ang Labor Day ay isang napakahalagang araw para sa ating lahat lalo na sa mga manggagawa. Ito ang araw kung saan kailangan nating ibalik tanaw ang mga ginawang pakikibaka ng ating mga kapwa Pilipino upang mapaabot ang saloobin hinggil sa pagtaas ng sweldo at pagbibigay ng magandang benepisyo sa bawat manggagawa. Ito rin ang tamang araw para mapaabot natin ulit ang ating saloobin bilang isang manggagawa. Although pwede natin gawin iyon kahit sa anong araw pero iba ang araw na ito.. Mahalaga ang araw na ito.

Maraming paraan para mapaabot ang ating mga saloobin. Maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-iingay sa kalye, pagpapadala ng liham sa mga kinauukulan, pag akyat sa tower ng Meralco habang sumisigaw ng TAASAN ANG SWELDO, o kung ano-ano pang trip na pwdeng gawin para lang maipaabot sa Malacanang ang iyak ng mga pusong tigang sa pagmamahal ng sariling bayan.

Pumasok ba sa isip nyo kahit minsan kung gaano tayo kahalaga bilang manggagawa? Kung gaano tayo kahalaga sa mga kompanya? Kung gaano tayo kahalaga sa bansang kinabibilangan natin? Kung gaano tayo kahalaga sa pamilya natin?

Di ba naiisip ng mga kompanya kung gaano tayo kahalaga? Na kung hindi dahil sa atin ay wala silang produksyon na magagawa. Na kung hindi dahil sa atin ay wala silang financial statements na mabubuo at maibibigay sa mga banking institution tuwing kukuha sila ng loan? Na kung hindi dahil sa atin ay wala silang mga savings account sa iba’t-ibang bank. Na kung hindi dahil sa atin ay hindi sila makapagpatayo ng mga branches sa kung saang sulok ng Pilipinas. Pero bakit mayroon talagang mga kompanya na hindi inaalala ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga manggagawa? Bakit di nila iniisip na pwdeng mawala lahat ng kanilang nasimulan kapag nawalan sila ng trabahante. Ganun ba kahirap yun para sa kanila na gawin tayong isa sa pinakaimportanteng aspeto ng kanilang pakikibaka para sa kaunlaran? Ganun ba kahirap para hindi nila maibigay ang tamang sahod at benepisyo para sa ating mangagawa? Sa tingin ko, hindi mahirap. Madali lang if gustuhin. Wag po sana kayo maging maramot sa mga taong may malaking kontribusyon sa inyong pag-unlad. Mabigat ba sa inyo ang aming hinihiling na kung tutuusin ay hindi nga makakabawas ng 1/4 sa kita ng kompanya ang hinihingi namin?

Di ba naiisip ng ating mahal na gobyerno ang halaga natin? Bkit di nila pakinggan ang ating mga hinaing? Bakit hindi nila pag-igtingin ang mga batas na may kinalaman sa manggagawa? Bakit hindi sila gumawa ng mga batas na lubos na makakatulong sa atin? Bakit di nila ipatupad ng maayos ang kanilang responsibilidad sa atin? Di ba nila iniisip na nagbabayad tayo ng tamang buwis. Bakit di nila ibalik yon sa atin sa pamamagitan ng mga magagandang benepisyo, facilities at magandang serbisyo? Bakit? Kailangan pa ba namin na pumunta sa kalye at mag-ingay para lamang marinig nyo ang aming mga munting tinig? Kailangan pa ba ipadama sa amin ang inyong mga kahinaan at kapalpakan sa pagbigay ng mga mgagandang serbisyo?

Di ba natin naiisip kung gaano kahalaga ang ating trabaho at gobyerno sa pagbuo ng ating pagkatao? Tayo pong manggagawa ay may mga responsibilidad na dapat tuparin at pag-ibayuhin. Responsibilidad na pagbutihin ang trabaho at gawin ng maayos at naayon s akung ano ang gusto ng ating mga kompanya. Responsibility to cooperate with our governement sa lahat ng kanilang mga proyekto. Responsibilidad na alagaan ang ating trabaho para may ipakain tayo sa ating pamilya. REsponsibilidad na pumasok sa trabaho na hindi late. Alam ko, alam mo kung ano ang responsibilidad mo para sa iyong kompanya at sa ating gobyerno. Di ba ang dali lang na gawin iyon?

Siguro bukas, sa bahay na lang ako at mag-iisip kung paano ako makatulong sa aking kompanya at sa ating gobyerno….

Lessons: Para sa ikaunlad ng bawat isa sa atin, ang pakikipagtulungan sa bawat parte at sulok ng parisukat ng kaunlaran ay isang napakagandang gawin. Bilang mangagawa ay gawin natin ang ating responsibilad ng maayos sa ating kompanya at sa ating gobyerno. BIlang kompanya, gawin nyo po ang inyong responsibilidad sa inyong mga manggagawa at sa ating gobyerno. BIlang gobyerno, gawin po ninyo ang inyong responsibilidad towards your countrymen..

Quaestionis: Mahirap ba gawin ang responsibilidad na nakatuntong sa ating mga balikat?

Posted in Artikulo ng Buhay Ko | Minarkahan: , , , | Leave a Comment »

 
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula