“Masakit ang umibig sa maling pagkakataon, maling lugar at sa maling tao”
Ito ang madalas na naririnig natin sa mga taong nakaranas na ng kasawian sa pag-ibig. Ganyan ba talaga ang pag-ibig? Ganun ba sya ka makapangyarihan na pwede nyang gawing masama ang isang tao? Na pwde nyang mabago ang buhay at pagkatao ng isang umiibig?
Katulad mo at katulad ng ibang tao, ako rin ay dumaan sa ganitong pagsubok; ang UMIBIG. Pagsubok na minsan ng sumubok sa katatagan ko bilang isang lalaki, propesyonal, kapatid at anak. Tama nga ang sinasabi nila na ang pag-ibig ay pwdeng magbago ng isang buhay. Pwde nitong imanipulate ang utak mo. Kaya nitong diktahan ang isip mo. Kaya nitong lamunin ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya. Kaya nitong sakupin ang iyong buong pagkatao. Pwde rin itong makasira ng buhay ng iba. Makapagbigay ng malaking problema. Para itong virus na unti-unting kumakain ng iyong laman at pumapasok sa iyong mga ugat at sumasabay sa daloy ng iyong dugo hanggang sa hindi mo na makontrol… hanggang sa ito’y lumabas sa iyong katawan at naghasik ng lagim sa mga tao na nasa iyong paligid. Ganyan ka makapangyarihan ang pag-ibig. Nakakabaliw!Nakakainis!Nakakapanlumo!Nakakasira! Nakakatakot! Ang maling pag-ibig!
Pero bakit mayroong mga taong hindi takot magmahal? Ito ba ang sinasabi nila na “hahamakin man ang lahat masunod ka lamang”? Kahit alam mong nakakasakit ka na? Kahit alam mong mali? Bakit?
Do I sound bitter? Napapansin nyo ba? Oo naiinis ako! Nasusuka ako! Nanlulumo ako sa salitang pag-ibig. Bakit pa may-ibig kung marami lang pala ang masasaktan? Bakit kailangan pa nitong mag-exist kung makakapagdala lang pala sya ng kasawian sa mga inosenteng tao? Bakit?
Ganyan ba kasakit? Ganyan ba kasakit ang pag-ibig?
Ang sagot ko…………… OO, may angal ka?