It was on Sunday, April 27, 2008 after a heavy saturday night with my drinking buddies that I realized I have nothing left in my wallet even a single centavo. What a damn shit! What will happen to me now? Where will I get my daily finances? How can I go to work if I have no money left for my transportation fee. Oh my God! I need to beg again from my mother. Magpapakapal na naman ako ng mukha. Magtitiis na naman ako sa sermon ng ate ko. Hahai… Yan na lang yata masasabi ko..
Huhuhuhu what a nightmare for me! Ginusto ko ito, kailangan kong panindigan. Wala na akong magagawa pa. Huli na ang lahat. Kailangan ko ng matuto mag-ipon. kailangan ko magpayaman para di ko na maexperience ulit ito. But how?
After thinking the whole night (?), ito lang ang pumasok sa kukuti ko..
Mga bagay na kailangan gawin para yumaman…
1.) Hindi na ako iinom– Iinom po ng alak ha… Baka isipin nyo tubig.. Wag naman..Actually di nman ako lasenggo eh. Minsan lang ako umiinom pero ako lagi ang taya. At saka pag nasimulan ko ng umiinom at napasarap ang kwentuhan, eh pasensya na lang ang pitaka ko dahil tiyak na mamumulubi na naman ako kinabukasan.
2.) Hindi na ako magpapaload- Kamusta naman ang mga katextmate baka mabahala sila hehehhehe. Sa totoo lang di naman ako mahilig sa txt eh. Naeexpire lang nga minsan ang load ko. Alam mo naman kasi sa linya ng trabaho ko, minsan kailangan mong magreply pag merong nagtatanong. Hahai, sayang naman!
3.)Hindi na ako sasakay– Hahaha paano kaya if gagawin ko ito? Aabutin siguro ako ng siyam-siyam bago ako makarating ng opisina. Baka pagdating ko dun, wala na akong paa hahahaha. Sayang naman yong sapatos ko na nag-iisa na inutang ko pa sa natasha. Manghits na lang kaya ako? Pwede dba? O di naman kaya lilipad? Darna! wahahahaha
4.) Imbes na kumain ako ng almusal sa canteen, magbabaon na lang ako– Pwde naman eh kaya lang di pa ako nakabili ng baonan. Or pwede naman cguro plastic ung paglalagyan ko ng kanin? What do you think? Good idea di ba? O di kaya magpapalibre na lang ako sa ka-opisina ko? Hahaha kapal ko talaga! Tama na nga baka kung ano pa masabi ko.
5.) Pag-isahin ko na lang ang breakfast at lunch ko– Nagawa ko na ito eh. Actually very effective sya.. Makakasave ako ng P30 per day. Kaya lang daming nagsasabi sa akin na pumayat daw ako at saka umitim (maitim nmn tlga ako dati pa… baka gusto nila sabihin na kasing itim na ako ng uling… grrrr).
Hehehehe wala na ako maisip. Baka may gusto pa kayong isuggest, pakilagay lang sa comment.
Isa lang naman yong kailangan nating gawin eh para makaipon. Set your priorities. Unahin ung kailangan talaga. Wag basta-basta gumastos sa mga bagay na di nyo naman kailangan. Make a budget plan. Ilista nyo kung ano ang kailangan nyong bayaran, bilhin at iba pa according sa kung alin ang kailangan at dapat mauna. Disiplina lang po ang kailangan.
Di ba ang galing-galing ko magsalita ano? Kainis nga eh.. Ang sarap at madali magbigay ng advices pero ang hirap gawin. Hahai na naman. Kailan pa kaya ako magigising sa katotohanan.. na ang puno ng mansanas kailanman ay hindi magkakaroon ng bunga ng saging. Ngek bakit ganun? Whatever! Basta guys don’t spend more than what you’ve earned. Ang hirap. Pramiz!