-QUAESTIO-

…searching for the purpose….the dreams…..the identity….and the adventures in the so called “complicated WORLD”

Posts Tagged ‘Kulang’

AIDS na ba ito?

Ipinaskil ni: jombee sa Mayo 5, 2008

Bakit ganun ang nadarama ko? Bakit feeling ko ang daming kulang sa buhay ko? Dapat nga maging happy ako kasi ang ilan sa mga dreams ko eh natupad na. I’d just passed the board examination. I am now working in a great company with a good salary. Ngayon mabibili ko na yong dati na di ko kayang bilhin (although di lahat). Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I feel so empty. Di ako masaya. Parang may kulang..

I’m always asking myself kung ano ba talaga ang gusto ko. Kung ano ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Meron ba? Sa tingin ko marami pero bakit hindi ko kayang sabihin? Bakit walang lumalabas sa konti kong isip? Bakit ganito? Nasa puso ko yata ang problema. Bakit hindi kaya mag-isip ng utak ko? Baka ang puso ko nga siguro ang may problema.. Bakit i feel so empty eh alam ko naman maraming laman ang heart ko? Abnormal na ba ako? Baka may sakit na ako? Sakit sa puso? Baka may butas na ung heart ko kaya ang mga laman nito ay unti-unti ng nahuhulog at kung saan-saan na pumupunta? Kaya siguro feeling ko empty. Baka ito na ang resulta ng pagpupumilit ko na manigarilyo para magmukhang sosyal? Baka pinarusahan na ako ng Poong Maykapal? Wag naman sana? Pero di ganun eh? Imposible naman na di yaon mararamdaman ng buo kong katawan. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko eh? O baka AIDS na ito? Kailan ba ako huling nakipagtalik? 2 months na yata.. Matagal na di ba? Di naman mukhang may sakit ang naging partner ko ah.. Baka may sakit sya at di ko lang alam? Ayaw ko ng ganito? Napaparanoid na ata ako? Ano ba ito?

Sa totoo lang, ilang buwan ko na itong nararamdaman. Wala akong masabihan kundi kayo lamang. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa bestfriend ko eh baka mabigla un. Baka ano pa isipin nya. Mas lalong hindi ko pwdeng sabihin sa family ko. Baka di nila ako maintindihan. Ang bigat talaga ng nadarama ko ngayon. Hindi ko na alam kong bakit ako nagkakaganito? Hanggang kailan ba ito magtatagal? Hanggang kailan ba dapat ako magsakripisyo?

Pumasok ako kanina sa opisina na matamlay. Parang ayaw ko pa nga tumayo kanina sa pagkahiga. Ayaw ng katawan ko. Parang nawawalan na ako ng rason para tumayo, maligo, magbihis at pumunta sa opisina. Ibang-iba na ako ngayon. Di na ako tulad ng dati. May kulang nga talaga sa aking pagkatao? O mas magandang sabihin, baka may mali sa aking pagkatao.

After few hours and after ng konting trabaho, I found myself in a chatroom. Bakit ako nandito? Bakit ako naghahanap ng mga taong willing makipagmeet? For what? Bakit ko nagawa ito? Di ko inakala na magagawa ko ito? Ito ba ang sagot sa mga tanong ko? Ito ba ang pupuno sa empty heart ko?

Doon ko lang narealize na ilang buwan na pala akong walang karelasyon. Ilang buwan na pala akong tigang sa pagmamahal. Kaya pala feeling ko eh may kulang. Kulang lang pala ako ng inspirasyon. Kulang ng may mapagsasabihan ng problema. Kulang ng may mag-aalaga. Kulang ng mamahalin at magmamahal.

Ito rin marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nabuo ang blog na ito. Baka dito ko mahanap ang kulang sa buhay ko. Baka dito ako maging kumpleto. Baka dito ako maging masaya ng todo. Baka dito ako magbabago. Baka dito.. Baka dito nga..

Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang nararamdaman ko. Ngayong alam ko na eh di na ako magtataka pa if baka bukas o sa makalawa eh makita na kita. Baka ikaw na yon.. Baka ikaw na ang hinihintay ko.. Baka ikaw na ang pupuno at didilig sa tigang kong puso. Pakiusap magparamdam ka na.

Ngayon alam ko na na hindi ako nagkamali sa hinala ko. May AIDS nga ako.

A-I-D-S………………… Aiming for an Intereseting Date Somewhere…

Hahai… Ikaw na ba un?

Posted in Love Is On the Air | Minarkahan: , | 2 Comments »

 
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula