-QUAESTIO-

…searching for the purpose….the dreams…..the identity….and the adventures in the so called “complicated WORLD”

Posts Tagged ‘life’

What a life!

Ipinaskil ni: jombee sa Abril 26, 2008

Hahai, life nga naman. Nakakahiya tlga at the same time nakakabadtrip. Nakakainis ung ate ko na wala ng ginawa kundi mang asar. Grrrrr….

Bakit? Kasi itong nangyari….

Me: Mang, pahiram ng pera oh, wala kasi akong pamasahe. (paawa effect)

Mamang: Ha? Wala ka ng pera?

Me: Oo, nashort ako ng allowance eh.

Mamang: Lab (nakakabata kong kapatid na lalaki), saan na yong fifty pesos na ibinigay ko sau kagabi?

Lab:Nasa jacket ko mang.. (Sabay punta sa kwarto kung saan nakalagay ung jacket).

Pagbalik….

Lab: Mang kulang na ng twenty pesos.. Dalawang twenty pa ito kagabi…

Mamang: Sino naman ang kumuha? Wala naman d2 si Rex (isa ko pang kapatid na lalaki na laging nangungupit). Baka andyan lang yan..

Papang: May nakita ako kagabi na pera sa ilalim ng kama, baka yon. Ibinalik ko man dyan sa bulsa ng jacket mo.

After a while,

Ate: Di ka na nahiya. Imbes na kami yong humingi sa’yo dahil may work ka na, sila mamang pa yong hingian mo. Ikaw lang yata ang CPA na nakilala kong ganyan.

Me: Oo na ako lang! Sorry ha kasi ganito ako. Kasalanan ko po! Bakit ka ba affected? Sa iyo ba ako humihingi? Babayaran ko naman ‘to ah.

Ate: Sa kung anu-ano kasi inuubos ang pera. Magbago ka na nga! Wala kang mapapala sa ganyan. Dapat mag-ipon ka!

Me: Oo na nga eh. Dami mo pang satsat. Ang aga aga sermon ang inaabot ko sa iyo.

Biglang nag interrupt ung mama ko,

Mamang: Tama na nga yan. Ito na ang pera malalate ka na.

Me: Wag na lang mang. Kay ate mo lang yan ibigay baka kailangan nya yan. Manghihiram na lang ako ng pera sa officemate ko.

Sabay kuha ng bag at umalis….

Nahiya talaga ako sa family ko. Tama nga ung ate ko. Dapat ako pa nga ung magbigay sa kanila. Nakakahiya tlga. gRRRr

Actually, correct naman ung ate ko eh. Kelangan ko mag ipon. Ang kinaiinisan ko lang eh yong diktahan ako kung saan ko dapat gastusin ung perang pinaghirapan ko (pinaghirapan daw?). Doon ako masaya eh, may magagawa ba ako? But kahit ganun ung nangyari, mahal na mahal ko ung family ko lalo na ung mama ko. Siya lang ata ung taong nakakaintindi sa akin. Kahit alam ko na lage ung sinusuway at sinasaktan, andyan pa rin sya lage sa tabi ko. Iba talaga ang mama ko. Walang katulad! I love you mama. Hayaan mo makakabawi din ako sau. Promise ko yan….

Quaestionis!- Mali ba yong sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo kahit alam mong nakakasama ito sau? Pero paano if doon ka masaya?

What do you think?

Posted in Personal Experiences | Minarkahan: , | Leave a Comment »

 
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula